DAGUPAN CITY – Nabalot ng takot ang ilang residente ng Brgy. Patar matapos na sumadsad at tumagilid sa dalampasigan ang isang oil tanker sa bayan ng Bolinao.

Sa inisyal na impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Dagupan, nasa 23 mga dayuhan ang sakay ng naturang vessel na kinabibilangang ng 20 Chinese at talong Myanmar nationals.

Patungo sanang Brunei mula sa China ang naturang oil tanker.

Tinatayang aabot sa 15 thousand metric tons ng petroleum products.