KORONADAL CITY – Nakahanda na ang ang pamilya Padernal-Villavende sa nakatakdang libing ngayong araw si Jeanelyn Villavende ang OFW na brutal na pinatay ng kanyang mga employer sa Kuwait.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Nelly Padernal, tiyahin ni Jeanelyn, inaasahan na nila ang pagdagsa ng maraming makikilibing ngayong Huwebes.

Isasagawa ang funeral mass alas-10:00 ng umaga sa Immaculate Conception Parish bago ito ihahatid sa huling hantungan sa Norala Public Cemetery.

Isang necrological service naman ang gagawin bago ang libing ni Jeanelyn, at inaasahan din ang pagdating bukas ng ilang mga opisyal ng gobyerno sa pangunguna ni Labor Sec. Silvestre Bello III.

Patuloy naman ang panawagan ng hustisya ng pamilya sa pagkamatay ng OFW.