CAUAYAN CITY – Wala nang buhay nang matagpuan ang katawan ng isang Overseas Filipino Worker o OFW matapos magbigti sa San Luis, Cauayan City.

Ang nagpakamatay ay si Linda (di tunay na pangalan), 40 anyos, may-asawa, isang OFW at residente ng San Luis, Cauayan City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, lumabas sa pagsisiyasat ng Cauayan City Police Station na nang pumasok umano sa loob ng kuwarto ng OFW ang kanyang ina ay nakita nito ang anak na nakabitin sa kisame .

Dinala sa ospital ang ofw subalit idineklara siyang dead on arrival ng attending physician.

Kumbinsido naman ang pamilya na walang foul play sa pangyayari.

Ayon sa pamilya, hindi nila alam na umuwi si Linda at nalaman na lamang na umuwi nang makita nang wala nang buhay matapos magbigti.