-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development ang kanilang buong suporta sa peace agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kaugnay nito ay sinimulan na ng ahensya ang verification at profiling activity at pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga benepisyaryo mula sa Moro National Liberation Front (MNLF) sa probinsya ng Sulu.

Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Marcos na bahagi ng peace agreement ng gobyerno sa pamahalaan sa MNLF.

Batay sa datos ng ahensya, aabot sa kabuuang 518 MNLF combatants ang posibleng lalahok sa profiling activity.

Bawat benepisyaryo ay makatatanggap ng ₱45,000 sa ilalim ng Bangsamoro Transitory Family Support Package.

Paliwanag ng ahensya na ang inisyatibang ito ay suporta ng gobyerno sa kanilang paglipat sa mapayapang buhay-sibilyan at makatutulong ito sa kanilang pagbabagong buhay.