Obama raptors
Ex-US President Barack Obama attends the Game 2 of the NBA Finals in Toronto (photo from @Raptors)

Napabilang na rin si dating US President Barack Obama sa mga VIPs at celebrities na nakikipag-agawan para makapanood ng personal sa mga games sa NBA Finals.

Sa Game 2 na ginanap sa Scotiabank Arena sa Toronto, Canada, agaw pansin ang panonood ng personal ni Obama.

Kung maaalala si Obama ay masugid ding basketball fan at malapit na kaibigan ng presidente ng Toronto Raptors na si Masai Ujir.

Kaibigan din ni Obama si Stephen Curry ng Golden State kung saan noong panahon niya ay inimbitahan pa sa White House pero noong magkampeon muli ang Warriors ay hindi na sinipot ni Curry at ng team ang imbitasyon ni US President Donald Trump.

Sa break sa first half ng laro ay nagsigawan ang mga fans sa arena gayundin ang salitang MVP! MVP para bigyan ng standing obation si Obama.

Nagkita rin sina Obama at ang global ambassador ng Raptors, ang kontrobersiyal na singer na si Drake kung saan nagyakapan ang dalawa at maikling nagkumustahan.