-- Advertisements --
Sinurpresa ni Justin Bieber ang kaniyang mga fans sa pamamagitan ng paglabas ng bagong studio album.
Ang “SWAG” ay siyang unang bagong studio album na inilabas ng Canadian singer pagkatapos ng apat na taon.
Mayroong 21 kanta ang album kung saan ito ay collaborations sa mga rap artst na si Gunna, gospel singer Dijon, rapper Lil B, comedian Druski, rapper Sexxy Red, musician Cash Cobain at singer songwriter Eddie Benjamin.
May isang kanta na “Forgiveness” na kinanta ni pastor at gospel singer Marvin Winans.
Mula pa noong Marso ay nagpahapyaw na ito sa mga fans ukol sa pagiging “unworthy” at noong Hunyo ay nagpost ito sa pagiging “broken” na isang bahagi ng kaniyang album.