Labis ang pasasalamat ni New York City Mayor Bill de Blasio dahil sa tulong na ipinarating ni US President Donald Trump.

Inatasan kasi ng US President na dalhin ang US Navy Hospital Ship Comfort sa New York City.

Ayon sa alkalde, na dahil sa mas maagang dumating ang barko ay maraming mga mamamayan nito ang matutulungan.

Mayroong 12 fully-equipped operating rooms at 1,000 hospital beds on board ang nasabing barko.

Magugunitang isa ang New York sa may pinakamaraming kaso ng coronavirus sa USA.