-- Advertisements --

Nakatakdang magsagawa ng homecoming fan meet ang Pinoy girl group na BINI.

Gaganapin ito sa darating na Hunyo 29 ng alas-3 ng hapon sa Mall of Asia Arena.

Ito ay bilang pasasalamat ng grupo sa tagumpay ng kanilang world tour.

Ang nasabing libreng konsyerto ay para lamang sa miyembro ng BINI Global kung saan magsisimula ang pamamahagi ng tickets sa darating na Hunyo 14.

Nasa ibang bansa ang grupo para sa kanilang BINIverse World Tour 2025 kung saan katatapos lamang nilang magtanghal sa New York, Toronto, London at Dubai.