-- Advertisements --
Pumanaw na ang Hollywood actor na si Devin Harjes sa edad na 41.
Ayon sa kaanak nito , nalagutan na hininga ang actor sa isang pagamutan sa New York City.
Ilang taon itong nakikipaglaban sa isang uri ng cancer hanggang sa bumigay na ang kaniyang katawan.
Nagsimula ang kaniyang sa pagsali sa mga teatro hanggang lumipat ito sa New York.
Nakilala ito sa mga tv show gaya ng “Boardwalk Empire”, “Gotham”, “Daredevil” at maraming iba pa.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang mga nakasama nito sa industriya.