-- Advertisements --
Napatunayang guilty ang Hollywood producer na si Harvey Weinstein sa isang reklamong sexual assault.
Ikinokonsidera ng mga hurado ang pagsampa ng kasong rape at retrial dahil paglalahad ng tatlong babaeng biktima niya.
Napatunayang guilty ng mga hurado sa Manhattan si Weinstein sa reklamo ng mga biktima sina Jessica Mann at Miriam Haley na kaniyang ginahasa.
Muling iginigiit ng 73-anyos na si Weinstein na walang katotohanan ang mga paratang laban sa kaniya.
Ang orihinal na convction ni Weinstein noong 2020 ay mayroong hatol na 23 taon na pagkakabilanggo at ito ay ibinasura noong nakaraang taon matapos makita ng appeals court ang ilang mga iregularidad sa kaso.