ILOILO 3
-- Advertisements --
ILOILO 1

ILOILO CITY – Patuloy ngayon na inoobserbahan ang kalagayan ng mga kaanak ng isang nurse sa Iloilo na nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Punong Barangay Rodel Mamon ng Ungka, Jaro, Iloilo City, sinabi nito na ang nasabing nurse ay nagtatrabaho sa Rep. Pedro Trono Memorial District Hospital sa Guimbal, Iloilo.

Ayon kay Mamon, dumalo sa birthday party ang nasabing nurse at ng bumalik ito sa ospital, napag-alamang positibo ito sa COVID-19.

Nang isinagawa ang contact tracing, lumabas na nahawaan nito ng virus ang 13 nitong mga kaanak na sa ngayon ay naka-quarantine sa kanilang bahay na naka-surgical lockdown.