Target ngayon ng Denver Nuggets na maitabla sa 2-2 ang second round playoffs nila ng Portland Trailblazers.

Ito ay matapos ang makasaysayang laro ng dalawa nitong Sabado na umabot sa apat na overtime bago tuluyang makuha ng Blazers ang panalo.

Ilan sa mga diskarte na gagawin ng koponan ay ang pagkakaroon ng mahabang rotation ng mga manlalaro at ang matinding depensa.

Base kasi sa record ng NBA na mayroong 11 pagkakataon na ang isang koponan ay nakabangon sa 3-1 deficit na siyang iniiwasan ng Nuggets.