-- Advertisements --

Isinailalim na sa state of calamity ang lalawigan ng Nueva Ecija, dahil pa rin sa epekto ng super typhoon Karding.

Ayon kay Governor Oyie Umali, agad niyang inaprubahan ang resolusyon ng Sangguniang Panlalawigan para sa nabanggit na deklarasyon, matapos ang espesyal na sesyon ng mga opisyal ng probinsya.

Layunin nitong magamit ng probinsya ang kanilang pondong nakalaan para sa disaster response at matulungan ang mga bayan na labis na nasalanta ng kalamidad.

Sa kasalukuyan ay may mga lugar pa rin nakakaranas ng baha sa Nueva Ecija, kahit nakalagpas na ang mismong pananalasa ng napakalakas na bagyo.