-- Advertisements --

Ipapatupad na sa darating na Setyembre 14, 2025 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang taas singil sa passenger service charge o terminal fee.

Base sa Manila International Airport Authority Revised Administrative Order Number 1 , na ang passenger service charge para sa mga babiyahe sa ibang bansa ay tataas mula P550 ay magiging P950.

Para naman sa domestic passengers na ang terminal fee ay magiging P390 na mula sa dating P200.

Nakasaad sa nasabing kautusan na hindi kasama ang mga bata edad dalawa pababa, flight crews, overseas Filipino workers, pilgrims, Philippine Sports Commission delegates, Medal of Valor awardee at ibang mga otorisado ng batas o ng Office of the President.

Ang nasabing taas singil ay base sa kasunduan sa pagitanng gobyerno at NAIA Infra Corp (NNIC) na siyang nagkontrol sa NAIA noong nakaraang taon.