Suportado ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicolas Torre III ang pagpapasa ng batas na ibinababa ang edad para sa criminal liability hangga’t ito ay mayroong scientific basis.
Ayon sa hepe, magbibigay ng kanilang pormal na posisyon ang PNP hinggil sa isyu na ito sa pamamagitan ng isang written paper at ipapaabot sa Kongreso.
Ito ay bilang pagbibigay ng kanilang opinion lalo na kung magkakaroon ng pagbabago sa mga batas na sangkot ang tungkol sa mga kabataan.
Bagamat nagpahiwatig ng suporta ang hepe ay nanindigan naman ito na dapat itong mayroong mga susuportang scientific basis at evidences.
Aniya, mayroon kasing mga pagaaral na kailangang bigyang konsiderasyon hinggil sa age limits at muwang ng mga kabataan lalo na ngayong mataas ang kanilang access sa lahat ng klase ng impormasyon.
Samantala, maliban naman sa mga ebidensyang nakabatay a pagaaral at siyensya ay binigyang diin din ni Torre na dapat ding ikonsidera ang pagkakaroon ng pagaaral kung saan ibinase ang Republic Act 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act.