-- Advertisements --

Aabot sa apat na contractors ang iniimbestigahan ngayon ng Commission on Elections (COMELEC) na nagbigay ng kontribusyon sa ilang senador noong 2022 elections.

Ayon kay COMELEC chairman George Erwin Garcia, na kanilang inaalam kung ang mga contratctors na ito ay mayroong kontratang nakuha sa gobyerno.

Titignan nilang mabuti kung ang mga ito ay public work contractor.

Karamihan aniya sa mga contractor ay negosyante kaya kadalasan na inilalagay nila ay ‘businessman’ kung saan hindi agad malalaman ang negosyo.

Aabot naman sa 42,000 na mga Statemen of Contributions and Expenditures ang inaaral ngayon ng Political Finance and Affairs Department ng Comelec na isinumite ngayong 2025 sa national at local na mga kandidato.

Magugunitang isinawalat ni Senado na may-ilang contractors ng mga flood control projects ang nagbigay ng donasyon para sa pangangampanya ng ilang pulitiko.