CAGAYAN DE ORO CITY – Bagamat walang kompirmadong malakas at malaking grupo na kino-konsidera ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas na seryosong banta na makapaghasik kaguluhan sa isagawang parliamentary elections ng taga-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao subalit hindi nagpakampante ang Philippine Army sa kanilang katungkulan.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Philippine Army spokesperson Col. Louie Dema-ala na wala nang humpay ang kanilang koordinasyon sa intelligence community upang maisagawa ang pinag-isa na security implementation na hiningi ng Commission on Elections kasama ang Philippine National Police sa BARMM polls.
Sinabi ni Dema-ala na batay sa kanilang sariling assessment sa rehiyon,hindi nila nakikita na magkaroon ng seryosong suliranin sa usaping seguridad mula sa mismong campaign period sa Agosto 28 hanggang sa mismong araw ng halalan sa Oktobre 13.
Subalit mayroong standing order na mula sa national headquarters na matiyak ang kaayusahan para malaya makaboto ang mga botante sa nais nila mahalal na pinakaunang BARMM parliamentary officials sa bahagi ng Mindanao region.
Magugunitang ginamit pa na isa sa mga basehan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ngayong taon ay ang kagustuhan nito na maka-pokus ang Comelec at state forces sa pangkalahatang seguridad sa BARMM elections.
Napag-alaman na ang mismong pinakamalaking dating Moro rebel groups na ilang taon na nakikipaglaban sa gobyerno ay mismo na ang sasapak sa kanilang halalan sa Oktobre 2025.