-- Advertisements --

Tinawag na PR stunt at pamumulitika ni Manila 3rd District Representative Joel Chua ang naging pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno kaugnay sa ilegal umanong itinayong  proyekto ang Sentro Komunidad de Santa Cruz na para sa kaniyang distrito.

Pinalagan ni Chua ang tila pagpapatigil ni Mayor Isko  sa kaniyang community center project sa lungsod.

Wala rin umanong demolition at building permits para sa naturang community center project.

Paliwanag ni Chua na nagsimula ang proyekto noon pang 2020 kung kailan hindi pa siya ang kongresista sa nasabing panahon.

Ang dapat aniya na kinukuwestyon ang DPWH na siyang na nangangasiwa sa approval, implementation, at permits.

Giit ni Chua tapos na ang eleksyon at dapat nang mag-move on sa away-pulitika. Sa halip ay dapat magtulungan na lamang para sa ikagiginhawa ng mga residente sa Maynila.

Tugon naman ni Chua sa hamon ni Moreno na imbestigahan ang sarili dahil sa umano’y ilegal na paggiba at pagtayo ng gusali, na dapat ilagay ng alkalde ang issue sa tamang venue sa halip na gawin itong content sa social media.