Pinayuhan ni National Task Force against Covid-19 special adviser Dr. Ted Herbosa ang mga senior citizens na may comorbidities at maging ang publiko na magpabakuna na laban sa Covid-19 ngayong nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila, lalo na at tumataas na naman ang Covid-19 cases.
Inihayag din ni Herbosa na karamihan sa mga pasyente na nasa intensive care units (ICUs) sa mga hospitals sa buong bansa ay hindi pa rin nabakunahan kontra Covid-19.
Batay sa datos, As of August 3, 2021 nasa 9.8 million na mga Filipino ang fully vaccinated subalit malayo pa ito para makamit ang target na herd immunity.
Sinabi ni Herbosa ang mga pasyente na nasa ICU, siyam sa 10 dito ay walang bakuna, pero duon sa mga nabakunahan ng Covid-19 jabs ay mayruong mild symptoms gaya ng colds na hindi na kailangan i-hospitilized kailangan lang ng mga ito ilagay sa isolation facilities.
Binigyang-diin ni Herbosa na ang target ng Metro Manila Council (MMC) na mabakunahan ang 50% populasyon ng Metro Manila.
Sa ngayon nasa ilalim ng dalawang linggong mahigpit na lockdown ang NCR simula nuong August 6 hanggang August, 2021.