Suportado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang panukala na buksan sa publiko ang bicameral conference committee (BICAM) sa deliberations ng 2026 proposed national budget.
Ayon kay Palace Press Officer Usec Claire Castr, nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na gawing transparent ang deliberasyon at maipakita sa taumbayan na hindi napupunta sa wala o naaabuso ang pondo ng bayan.
Sa SONA ng Pangulo nagbabala ito na handa niyang i-veto ang panukalang 2026 national budget kung may makita siyang anomalya.
Sinabi ni Castro na seryoso ang Pangulo sa pag veto sa 2026 proposed budget kung magpapatuloy ang mga maanomalyang insertion na mga pondo.
Dagdag pa ni Castro pinaghirapan at dumaan sa masusing deliberasyon ang 2026 budget at hindi biro na gumawa ng budget para National Expenditure Program.
Ipinunto ni Castro na hindi dapat abusuhin ang power of the purse ng Kongreso.