-- Advertisements --

Siniguro ng Department of Health (DOH) na maingat na pinaghandaan ng pamahalaan ang pagpapatupad ng zero-balance billing sa 87 ospital na accredited ng PhilHealth.

Ayon kay DOH Spokesperson Albert Domingo, bahagi ito ng pagtalima nila sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang Sate of the Nation Address (SONA) noong Lunes, Hulyo 28, 2025.

Sinabi ni Domingo na inaalam na ng DOH ang mga datos at actual na gastusin ng mga ospital upang matiyak na hindi ito magiging pangako lamang.

Nabatid na target ng gobyerno na maging libre na ang lahat para sa mga pasyente sa pampublikong pagamutan.

Pero nag-aalala naman ang mga pribadong ospital kung paano naman sila mababayaran ng PhilHealth para sa mga nakaraang pang bayarin ng mga pasyente na hindi pa napupunan.

Baka raw kasi mauwi sa panibagong mga programa ang pondo, habang sila ay hindi pa nabibigyan para sa naging pagkakautang ng mga government health insurer.