Posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang tatlong bagyo ngayong buwan ng Agosto, 2025.
Batay sa pagtaya ng state weather bureau, mayroong apat na posibleng daanan o tatahakin ng mga naturang bagyo ngayong buwan.
Dalawa rito ay ang northwestward movement mula sa northern Visayas o Central Luzon patungong Northern Luzon. Sa ganitong sitwasyon, nananatili ang posibilidad ng pag-landfall sa kalupaan ng bansa.
Ang iba pang scenario ay ang posibleng pagtahak ng mga bagyo patungong Taiwan o Southern China .
Posible rin ang pagkakabuo ng bagyo sa katubigan ng bansa ngunit tuluyang tutumbukin ang Ryukyu Islands sa Japan. Kung mangyayari ito, inaasahang maiiwasan ang direct impact sa Pilipinas.
Sa pagpasok ng Agosto, isang low-pressure area (LPA) ang binabantayan sa hilagang-silangang bahagi ng extreme Northern Luzon at hindi inaalis ang posibilidad na mabuo ito bilang isang ganap na bagyo.