BEERMEN
San Miguel Beermen

Hindi na pinaporma ng NorthPort ang San Miguel Beermen 127-119 sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup.

Bumida sa panalo ng NorthPort si Michael Qualls na nagtala ng 40 points habang mayroong 17 points si Jervy Cruz.

Ito rin ang unang laro ni Christian Standhardinger na makaharap ang dating koponan mula ng mailipat noong nakaraang linggo.

Nakapagtala ang Filipino-German na 18 rebounds, limang rebounds at pitong assists.

Kuntento naman si NorthPort coach Pido Jarencio dahil naging sulit ang paghihirap ng manlalaro para talunin ang Beermen.

Itinuturing kasi na isang pagganti ng NorthPort sa Beermen ng matalo sila sa quarterfinals.

Masakit naman sa Beermen ang pagkatalo dahil nasayang ang nagawang 56 points ng kanilang import na si Dez Wells habang mayroong 22 points at 14 rebounds si June Mar Fajardo.