-- Advertisements --

Nagnegatibo sa coronavirus ang mga players, coaches at officials ng NLEX Road Warriors.

Sinabi ni PBA Press Corps president Gerry Ramos, ito ang naging resulta sa isinagawang COVID-19 testing sa nasabing koponan na ginanap sa NLEX Balintawak compound.

Ang nasabing koponan ay siyang pang-apat na koponan na natapos ang COVID-19 testing na ang una ay ang San Miguel Beer, Ginebra at Magnolia.

Hinihintay rin ng PBA ang resulta ng pagsusuri sa Meralco Bolts habang susunod naman ang TnT KaTropa.

Ang nasabing pagsasailalim sa testing ay bilang bahagi ng nalalapit ng pagbabalik na ng mga laro sa PBA at ang ipinapatupad na ‘no testing, no practice’ policy na rin ng PBA.

-- Advertisement --