-- Advertisements --

Naibalik na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang suplay ng kuryente sa lahat ng mga lugar na sinalanta ng bagyong Emong.

Ayon sa NGCP, nag-normalized na ang operasyon ng kanilang Luzon Grid matapos na ang maapektuhan ang Bacnotan-Bulala 69 kilo-volt-line ng nagdaang bagyo.

Tiniyak din nila na patuloy ang ginagawa nilang pagbabantay sa kanilang mga linya.

Agad din aniya nilang tinutugunan ang lahat ng mga tawag mula sa kanilang hotlines.