Maglalagay ng “containment zone” si New York Governor Andrew Cuomo para maiwasan ang pagkalat pa ng coronavirus.
Sinabi nito na ang siyudad ng New Rochelle ang siyang may pinakamalaking cluster sa US cases.
Dahil dito, magpapakalat din sila ng mga National Guard para maglinis sa mga paaralan at magde-deliver ng mga pagkain sa mga individual na naka-quarantine.
Umaabot na kasi sa 108 na kaso ng COVID-19 ang naitala sa Westcherster County kung saan matatagpuan ang New Rochelle.
Nilinaw din ni Cuomo na walang travel restriction sa lungsod subalit isasara ang ilang mga meeting points sa lugar.
Wala munang magaganap ng mga malalaking kaganapan sa lugar sa loob ng dalawang linggo.
“Large gathering places & schools in this area will be closed for 2 wks, starting Thursday until March 25. NY is partnering with Northwell Health to open a satellite testing facility there,” ani Gov. Cuomo. “We will deploy the National Guard to deliver food to homes & help clean public spaces. We are implementing new emergency measures in New Rochelle, which has the biggest cluster of #Coronavirus cases in the state. Starting on Thursday for 2 wks, there will be a containment zone with a 1 mile radius around the site of the most cases in New Rochelle.”