-- Advertisements --

Pinapirma muli ng Brooklyn Net para sa natiitirang 2019-2020 season ang kanilang forward at guard na si Justin Anderson.

Inaasahan na ang nasabing hakbag na ito ng Nets matapos na umalis ang kanilang forward Michael Beasley matapos magpositibo sa coronavirus.

Nasa Orlando na si Anderson noon pang nakaraang linggo at naka-quarantine na siyang required para sa “bubble” environment.

Naglaro na ng tatlong beses sa Nets noong Enero si Anderson sa 10-day conctrac na mayroong average na 1 pointat 0.7 rebounds.

Magugunitang nagkulang ng mga manlalaro ang Nets matapos na magpositibo sa coronavirus sina Spence Dinwiddie, DeAndre Jordan at forward Taurean Prince habang si Wilson Chandler ay nagdesisyon na hindi sumama para makasama ang kaniyang pamilya.

Nagkaroon naman ng injury sa balikat si Kyrie Irving habang Achilles injury naman si Kevin Durant.