-- Advertisements --

Nakataas na sa Orange Rainfall Warning ang Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon dahil sa patuloy na buhos ng ulan nitong umaga ng Lunes, Agosto 10 dulot parin ng Southwest Monsoon o Habagat.

Ayon sa state weather bureau, nasa ilalim ng orange warning ang Zambales, Bataan, Metro Manila, Pampanga, Rizal, Bulacan, Cavite, Batangas at Tarlac.

Sa ilalim ng orange rainfall warning, inaasahang makatatanggap ang mga apektadong lugar ng 100 hanggang 200 millimeters ng ulan, na maaaring magdulot ng pagbaha at landslide.

Habang nasa yellow warning naman ang ilang bahagi ng Tarlac(Concepcion, Anao, Tarlac City, Gerona, La Paz, Paniqui, Pura, Ramos, San Manuel, Victoria, Moncada), Cavite(Amadeo, Mendez, Silang, Carmona, Gen. Mariano Alvarez, Tagaytay), Batangas(Agoncillo, Bauan, Calaca, Laurel, Lemery, Mabini, San Luis, San Nicolas, Santa Teresita, Taal, Tingloy, Talisay, Tanauan, Santo Tomas, Malvar, Balete, Mataasnakahoy, Lipa, Alitagtag, Cuenca, San Jose, San Pascual), Laguna(San Pedro, Binan, Santa Maria, Mabitac, Pakil, Pangil, Famy, Siniloan, Santa Rosa, Cabuyao, Calamba, Los Banos, Paete, Kalayaan, Lumban), Nueva Ecija(San Antonio, General Tinio, Gapan, San Isidro, Cabiao, Cuyapo, Nampicuan, Guimba, Penaranda, San Leonardo, Jaen, Zaragoza, Licab, Quezon, Santa Rosa, Aliaga) and Quezon(General Nakar, Infanta, Real).

Sa ilalim ng yellow warning, maaaring makaranas ng light to moderate rain na may paminsan-minsang malakas na buhos, na maaari ring magdulot ng pagbaha at landslide sa mga lugar na madaling maapektuhan.