-- Advertisements --
Sa gitna ng maraming hamon na kinakaharap ng bansa, nagpasalamat si Senate Committee on Sports Chairman Senator Bong Go kay tennis champion Alex Eala.
Ayon sa senador, muling naramdaman ng mga Pilipino ang pagmamalaki sa kanilang lahi dahil sa tagumpay ni Alex.
Giit ni Go, di bale nang mapuyat, dahil kahit sa ilang oras ng laban ni Alex ay nagkaisa ang mga Pilipino sa suporta at panalangin.
Kabilang ang senador sa mga naghain ng resolusyon upang bigyang-parangal ng Senado si Eala sa kanyang kamakailang kampyonato.
Para kay Go, ang tagumpay ni Alex ay hindi lamang panalo sa larangan ng sports, kundi simbolo rin ng pagkakaisa at inspirasyon para sa buong sambayanan.
















