Boluntaryong sumuko sa Natonal Bureau of Investigation (NBI) ang isang netizen na nagpost umano ng pagbabanta sa buhay ng ilang mga artista sa bansa.

Nagtungo sa NBI Southern Mindoro si Nhiel John Abellanosa, 25, para linawin ang alegasyon sa kaniya.

View this post on Instagram

Hello, NBI? Beke nemen po…😅

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

Isanng driver lamang ito sa Island Garden City sa Samal ,Davao del Norte ang nasabing suspek.

Paglilinaw nito ginamit lamang ang kaniyang pangalan dahil wala itong account sa Twitter.

Magugunitang unang humingi ng tulong si Angel Locsin sa NBI matapos Tweet umano ni Abellanosa na magbibigay ito ng P200 million para patayin ang actress at ilang mga kasama nitong artista.

Matapos ang pagtugon ng NBI ay nagpasya na lamang ang actress na hindi na ito interesado na magsampa ng kaso laban sa inireklamo.