-- Advertisements --

May ilang kondisyon na inilatag si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu para tumugon sa ceasefire deal sa Hamas.

Sinabi nito na handa ang Israel sa panukalang 60-araw na ceasefire subalit kailangan na tuluyang maging demilitarized ang Gaza.

Sa pagsisimula mismo ng ceasefire ay agad silang papasok sa negosasyon para sa tuluyang permanenteng pagtatapos ng giyera.

Ilan sa mga kondisyon nito ay dapat ay tanggalin ng Hamas ang kanilang mga armas at hindi na sila magkaroon pa ng puwesto o kakayahan na bumuo ng grupo.

Magugunitang bumisita si Netanyahu sa White House at personal itong nakapulong si US President Donald Trump.

Nangunguna kasi ang US na nagsusulong ng pagtatapos ng labanan na nagsimula pa noong Oktubre 2023.