ILOILO CITY- Hinatulan ng 15 taong pagkabilanggo at pinagmulta ng P198-M ang negosyante at dating Iloilo City Mayoralty candidate na si Rommel Ynion dahil sa kasong tax fraud.

Si Ynion ay nagmamay ari ng Hoksing Builders of Paranaque at iba pang mga negosyo

Sa desisyon na ipinalabas ng Second Division ng Korte Suprema, inuutusan si Ynion na magbayad ng kanyang buwis na hindi nabayaran noong taong 2006, 2008 at 2010.

Sa 58 pahina na resolusyon ni Associate Justice Jean Marie Bacorro-Villena, sinabi nito na si Ynion ay may masteral degree sa shipping management at nagmamay ari ng maraming negosyo kung kaya’t hindi kapanipaniwala ang dahilan nito na wala siyang ideya sa misdeclaration ng kanyang income sa mga taong 2006, 2008 at 2010.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Ynion sinabi nito na pinayagan siya na mag avail ng tax amnesty kung saan kapag nabayaran na nito ang kanyang buwis, mababasura na ang kanyang kinakaharap na kasong kriminal.