-- Advertisements --

Maraming lalawigan sa Luzon at Visayas ang nakaranas ng malawakang pagkawala ng kuryente dahil sa matinding paghagupit ng Bagyong Uwan.

Ayon sa ulat ng NEA Disaster Risk Reduction and Management Department (DRRMD), 20 electric cooperative mula sa 12 rehiyon ang nagdeklara ng total power outage.

Kabilang sa mga apektadong lugar ang Bicol, Aurora, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Quirino, Northern Samar, at Samar. Karamihan sa mga lugar na ito ay naputol ang linya ng kuryente at binaha.

Tinatayang halos tatlong milyong kabahayan ang nawalan ng kuryente noong kasagsagan ng bagyo.

Ayon sa NEA, pansamantalang pinatay ng ilang power distributor ang kuryente bilang bahagi ng safety protocol upang maiwasan ang disgrasya habang malakas pa ang ulan at hangin.

Tiniyak din ni NEA Administrator Antonio Mariano Almeda na binabantayan nila ang kalagayan ng 89 electric cooperative sa 55 lalawigan na dinaanan ng bagyo.