-- Advertisements --

Ibinida ng National Electrification Administration (NEA), na kanilang inaasahang aabot sa 94 porsyento ang household electrification rate sa bansa pagsapit ng 2026, mula ‘yan sa 91.7 porsyento ngayong 2025.

Ang progreso ay suportado ng P5.8 billion budget para sa susunod na taon, ayon kay NEA Administrator Antonio Mariano Almeda.

Bagamat may pag-asa sa mas mataas na electrification, humaharap ang ahensya sa hamon ng masamang panahon at kakulangan sa engineers para sa inspeksyon at pag-apruba ng proyekto.

Sa kabilang banda prayoridad din ng NEA ang malalayong lugar sa Mindanao, kabilang ang BARMM, pati na rin ang Negros at Cordillera.

Sa kasalukuyan, 5.25 porsyento ng kabahayan sa bansa ang walang kuryente, kung saan mataas dito ang Mindanao na may 83 porsyento electrification rate, habang ang Luzon at Visayas ay umabot sa 98.84 at 95.23 porsyento, ayon sa NEA.

Layunin pa ng ahensya na makamit ang 100 porsyentong electrification sa buong bansa pagsapit ng 2028.