-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Department of Agriculture (DA) na ang P20 kada kilo ng bigas ay mabibili na sa lahat ng 82 probinsiya ng bansa.

Isinagawa ang anunsiyo matapos na ilunsad ang programang Benteng Bigas, Meron na Program sa Maguindanao del Norte.

Ang Maguindanao del Norte kasi ang siyang huling probinsiya ng bansa kung saan nailunsad ang programa.

Ayon kay DA Assistant Secretary Genevieve Guevarra, n na layon nito ay para maingat ang bawat Filipino ganun din ay mapalakas ang lokal na produksyon para matiyak na walang magugutom anumang relihiyon o kulturang kinaaniban.

Ipinagmalaki rin ng DA na sa nasabing programa ay nagpapakita ng magandang ugnayan ng gobyerno sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Dagdag pa ng Kalihim na sa kabuuan ay mayroon ng 429 na mga lugar kung saan inilunsad ang program at target nilang makikinabang ang 15 milyon na mga kabahayan pagdating ng 2026.