-- Advertisements --
Nalagpasan na umano ng mga lokal na gobyerno sa National Capital Region (NCR) ang target daily number para sa vaccination program.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos sa panayam ng Bombo Radyo, sa inisyal na pagtaya ay 120,000 lang ang matuturukan kada araw, ngunit umabot na ngayon sa 200,000 ang nababakunahan.
May pagkakataon pang pumalo sa 27,000 ang nabigyan ng COVID-19 vaccine sa syudad ng Maynila para sa isang araw.
Aminado naman ang opisyal na may ilang violations na naitatala sa vaccination sites, ngunit itinatama na umano ito.
Katuwang ng mga barangay ang Task Force COVID Shield ng Philippine National Police (PNP), para maipatupad ang mahigpit na minimum health protocol.