-- Advertisements --

Itinaas na sa blue alert ang operations center ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRMMC) ngayong Biyernes, Agosto 22.

Ito ay bilang paghahanda sa posibleng epekto ng bagyong Isang.

Ayon sa ahensiya, layunin nito na maigting na mabantayan, magkaroon ng consolidated efforts at matiyak ang agarang koordinasyon sa mga ahensiya at tanggapan.

Sa ilalim ng blue alert status, inaatasan ang primary o lead personnel mula sa Office of the Civil Defense (OCD) na mag-duty sa Operations Center kasama ang detailed duty officers.

Naging epektibo ang pagtataas ng alert status simula kaninang alas-12:00 ng tanghali ngayong Biyernes.