Pinirmahan na ni Senate President Francis Chiz Escudero ang subpoena sa mga indibidwal ng walong construction companies na hindi nagpadala ng kanilang kinatawan sa ginagawang imbestigasyon ng Senado ukol sa Flood Control.
Ipapadala ito ngayong Agosto 26 sa walong constructions companies na hindi dumalo sa Senate Blue Ribbon panel.
Kinabibilangan ito ng mga kumpanyang: Wawao Builders, Topnotch Catalyst Builders Inc., Sunwest Inc., St. Timothy Construction Corp., Royal Crown Monarch Construction & Supplies Corp; L.R. Tiqui Builders Inc.; Hi-Tone Construction & Development Corp at Alpha & Omega General Contractor & Development Corp.
Ang nasabing hakbang ay bilang pagsuporta sa isinasagawang imbestigasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ukol sa mga maanomalyang flood control projects.
Pinangalanan nito ang 15 construction companies na nakakuha ng malaking bahagi ng P545 bilyon na halaga ng flood control projects sa ilalim ng pagkontrata sa gobyerno.