Nais lamang may ipagmalaki ang mga computer hackers sa ginagawa nilang pagpasok at pag-hack sa ilang government websites.

Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division chief Victor Lorenzo, na isang “bragging rights” ng bawat hackers kapag nagtagumpay sila.

Nararapat aniya na hindi maging katuwaan at purihin pa ang mga hackers sa kanilang ginagawa.

Mahalaga aniya na turuan ang mga ito sa tamang paggamit ng kanilang talento.

Magugunitang pinasok ng grupo ng hackers noong Disyembre ang website ng Philippine Army kung saan ibinunyag ang ilang luma at unclassified data.