-- Advertisements --

Inimbitahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang talent manager na si Annabelle Rama.

Ang nasabing subpoena ay may kaugnayan sa cyber libel na kaso na isinampa ng dating aide ni Senator Manny Pacquiao na si Jayke Joson.

Sinabi ni Atty. Emetrio Dongallo na ang silbi ng subpoena ay para mabigyan ng pagkakataon si Rama na maipaliwanag ang kaniyang panig.

Tinanggap ng security ng village kung saan nakatira si Rama ang subpoena para sa kaniya.

Nauna rito noong Oktubre 22 ng mag-tweet si Rama sa hindi nitong pinangalanang indibidwal ukol sa financial deals sa laban noon ni Pacquiao.

-- Advertisement --

Tinawag naman ni Joson si Rama bilang “epal at sipsip” dahil umano sa akusasyon laban sa kaniya.

Nanindigan naman si Rama ukol sa kaniyang pahayag at handa naman nito harapin ang anumang kaso na isasampa sa kaniya.