-- Advertisements --
Pinayuhan ng NBA ang mga koponan na isailalim sa coronavirus test ang kanilang mga manlalaro at staff na nagpapakita ng sintomas.
Sa inilabas na memorandum ng NBA na dapat regular na isailalim sa coronavirus testing ang mga manlalaro at staff bago muling ituloy ang mga laro.
Magugunitang ilang mga manlalaro ang nagpositibo sa coronavirus noong buwan ng Marso.
Pinayagan na rin kasi ng NBA na mag-ensayo na ang mga koponan sa mga susunod na linggo bago pag-isipan ang pagpapatuloy ng nasabing laro.