-- Advertisements --

Pinagmulta ng NBA si Oklahoma City Thunder forward Jalen Williams dahil sa pagsusuot ng damit na may malaswang mensahe.

Nangyari ang insidente matapos ang Game 7 sa pagitan ng Thunder at Denver Nuggets kung saan nagawa ng Oklahoma na pataubin ang 2023 NBA champion.

Pagkatapos ng laro ay dumalo si Williams sa regular postgame pressconference, suot ang isang puting inner shirt na may nakasulat na malalaswang salita.

Bagaman hindi nagsalita si Williams ng mga malalaswang salita, tinukoy ng NBA ang kaniyang aksyon bilang isang offense at kinalaunan ay pinatawan siya ng multang nagkakahalaga ng $25,000.

Ngayong season, hawak ni Williams ang average na 21.6 points, 5.3 rebounds, at 5.1 assists per game.

Samantala, nakatakdang harapin ng Thunder ang Minnesota Timberwolves sa western conference finals na nakatakdang magsimula bukas, May 21.

Ito ang unang pagpasok ng Tunder sa conference finals, matapos ang siyam na taon (2016).

Sa naturang laban, mas maraming NBA analysts ang pabor sa Thunder na mananalo.