Inabot ng overtime ang laban sa pagitan ng NBA defending champion na Oklahoma City Thunder at kulelat na Utah Jazz.
Hinabol ng Jazz ang 5-point 3rd-quarter deficit na dinanas sa kamay ng Thunder at dinala ang score sa all-114 sa pagtatapos ng regulation, sa pangunguna ni Jazz forward Lauri Markkanen.
Pagpasok ng OT, agad nagpakawala ng 3-pointer ang kulelat na teamngunit hinabol din ng Thunder sa sunod-sunod na nagpasok ng tatlong field goal. Bago maabot ang 1-min mark, hawak na ng Thunder ang 4-point lead ngunit muling nagpasok ng dos ang Utah , 121-119.
Itinuloy pa ito ng Jazz at sa 40-second mark ay nagawa na nitong itabla ang score sa 122.
Gayunpaman, muling gumana ang clutch performance ni NBA Finals MVP Shai Gilgeous-Alexander ay nagawa magpasok ng isang lay-up at dalawang free throw hanggang sa huling 10 segundo.
Wala nang nagawa ang Jazz sa nalalabing munito at dinanas ang panibagong pagkatalo, 126-122.
Kumamada muli ng 44 points si Alexander, mula sa kaniyang 14 field goals at 15 free throws.
Sa Jazz, tatlo sa mga player nito ang gumawa ng double-double performance: Markkanen, Jusuf Nurkic, at keyonte George, ngunit hindi naging sapat upang talunin ang defending champion.
Ito na ang ika-30 panalo ng Thunder ngayong season habang umabot na rin sa 23 ang pagkatalong nalasap ng Jazz, tangan ang 12 wins.















