Ipinahayag ng Oklahoma City Thunder nitong Huwebes, na ang guard na si Nikola Topic ay na-diagnose na may testicular cancer at kasalukuyang sumasailalim sa chemotherapy.
Ayon sa general manager na si Sam Presti, kinumpirma ng mga doktor ang long-term outlook ng 20-anyos na manlalaro.
Sinabi naman ng coach nitong si Mark Daigneault na nasa mabuting kalagayan ngayon si Topic at patuloy na nag-eehersisyo at nakikibahagi sa mga aktibidad ng koponan.
Si Topic ay inaasahang magiging mahalagang bahagi ng Thunder matapos nilang manalo ng NBA title noong nakaraang season.
Napilitan siyang hindi makapaglaro sa buong 2024-2025 season dahil sa ACL injury, ngunit maaalalang nakita siya sa summer league sa isang preseason game laban sa Charlotte.
Binanggit din ni Daigneault na handa ang mga kakampi ni Topic na magbigay ng suporta sa kanya.
 
		 
			 
        















