-- Advertisements --

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Oklahoma City Thunder (OKC) para makapasok sa NBA Finals.

Ito ay matapos na makamit nila ang panalo sa Game 5 laban sa San Antonio Spurs 127-114 para makuha ang 3-2 na bentahe sa best-of-seven Western Semifinals.

Nanguna sa panalo ng OKC si Shai Gilgeous-Alexander na nagtala ng 32 points habang mayroong tig-20 points sina Jalen Williams at Ajay Mitchell.

Nakapag-ambag naman ng 16 points at 11 rebounds si Chet Holmgren habang mayroong 12 points, 15 rebounds si Isaiah Hartenstein.

Nasayang naman ang nagawang 24 points ni Stephen Castle, habnag 22 points ni Julian Champaginie at 20 points para kay Victor Wembanyama para sa Spurs.

Gaganapin ang Game 6 sa court ng Spurs habang sa Game 7 naman ay babalik sa Oklahoma.