-- Advertisements --

Naipuwersa ng San Antonio Spurs sa Game 7 ang Western Conference finals nila ng Oklahoma City Thunder sa score na 118-91.

Bumida sa panalo ng Spurs si Victor Wembanyama na nagtala ng 28 points para maitabla sa 3-3 ang serye.

Sinabi ni Wembanyama na hindi pa sila tapos dahil kailangan nilang makapasok sa Finals.

Hindi pinaporma ng Spurs si Most Valuable Player Shai Gilgeous-Alexander kung saan agad nilang binantayang mabuti ito at nalimitahan ang kaniyang mga mid-range shots.

Gaganapin naman ang Game 7 sa araw ng Linggo sa homecourt naman ng OKC.