-- Advertisements --

Hindi makakapaglaro ng mahigit isang lingo si NBA superstar Stephen Curry matapos siyang magtamo ng panibagong minor quad injury.

Maalalang nitong Nobyembre 27 ay hindi na tinapos ni Cury ang paglalaro sa naging laban ng Golden State Warriors at Houston Rockets matapos ang magkakasunod na pagbangga kina Rockets forward Alperen Sengun at Amen Thompson.

Sa isinagawang MRI, lumalabas na walang major structural damage sa quad ni Curry ngunit kailangan niyang sumailalim sa ilang araw na pagpapagaling.

Dahil sa kaniyang injury, hindi muna makakapaglaro ang NBA superstar sa mga nakatakdang laban ng kaniyang koponan hanggang sa unang lingo ng Disyembre.

Hindi rin isinasantabi ang posibilidad na mas tatagal pa ang kaniyang recovery at maaaring babalik na lamang siya sa paglalaro pagsapit ng Disyembre-18 kung kailan nakatakdang labanan ng Golden State ang Phoenix Suns.

Nakatakdang harapin ng GS ang New Orleans Pelicans sa Nobiyembre-29 habang sa Disyembre-2 ay makakatapat nito ang defending champion na Oklahoma City Thunder, ang top team sa NBA na may 18-1 record.

Sa kasalukuyan, nasa 10-10 ang win-loss record ng GSW at nasa pang-walong pwesto sa western conference. Sa nakalipas na sampung laro ng koponan, lima lamang ang naipanalo nito.