-- Advertisements --

Tinambakan ng Memphis Grizzlies ang 2021 NBA champion na Milawukee Bucks, 125-104.

Sa pagharap ng dalawa, ibinulsa ng Grizzlies ang 54-paint points kontra sa 28 points na nagawa ng Bucks

Dinumina rin ng Memphis ang free throw line at ipinasok ang 26 point mula sa 32 attempts. Tanging 18 points lamang ang naiganti rito ng Milwaukee.

Nanguna sa panalo ng koponan ang forward na si Jaren Jackson Jr. na nagbulsa ng 24 points at siyam na rebounds. Gumawa naman ng 17 points at sampung assists ang point guard na si Ja. Morant.

Sa kasalukuyan, hindi pa rin nakakapaglaro si NBA champion Giannis Antetokounmpo at nagsisilbing kahalili niya sa center position ang bagong Milwaukee player na si Myles Turner.

Sa nakakadismayang performance ng dating Pacers bigman, tanging walong puntos lamang ang naipasok nito, kasama ang isang assists at tatlong rebounds. Hawak nito ang negative 6 sa naturang laban.

Nasayang din ang 15 points at 12 rebounds ng batikang 2-way player na si Bobby Portis, ang nagsilbing small forward ng Bucks.

Ito ang ika-15 panalo ng Grizzlies ngayong season, habang umabot na sa 16 ang dinanas nitong pagkatalo. Hawak naman ng Bucks ang 12-19 na