-- Advertisements --

Nakatakdang lumipat sa New York Knicks ang dating NBA 6th Man of the Year na si Jordan Clarkson, kasunod ng napagkasunduang buyout kasama ang Utah Jazz.

Inaasahang pipirma ng kontrata ang dating Gilas Pilipinas guard kasama ang Knicks, oras na makumpleto na ang buyout sa Jazz na kaniyang nagsilbing team mula noong 2019 kasunod ng pagkaka-trade mula sa Cleveland Cavaliers.

Sa nakalipas na season, nagawa ni Clarkson na mag-poste ng average na 16.2 points, 3.7 assists at 3.2 rebounds sa loob ng 37 games na kaniyang inilaro.

Sa nakalipas na season, ang Utah Jazz ang pinaka-kulelat na team sa western conference dahil umabot lamang sa 17 laro ang nagawang maipanalo ng koponan.

Binalikat nito ang hanggang 65 loss mula sa 82 games na nakatakda sa kabuuan ng 2024-2025 season.

Sa paglipat ni Clarkson sa Knicks, makakasama nito ang kasalukuyang core ng koponan na sina star guard Jalen Brunson, big man Karl Anthony Towns at mga forward na sina OG Anunoby at Mikal Bridges.

Ang naturang core ang naguna sa Knicks para makapasok sa 2025 Eastern Conference Finals.

Posibleng magiging bahagi rin ng Knicks bench ang dating 6th Man awardee.