Inilabas na ng NBA ang ilang plano nila para sa tuluyang pagbabalik ng mga laro.

Isa rito ay ang pagsasagawa ng coronavirus testing sa 22 teams.

Isasagawa ito mula Hunyo 23 hanggang 30 bilang bahagi ng health and safety initiative ng liga.

Kailangan din aniya na ang mga manlalaro na galing sa ibang bansa ay mareport na sa kanilang koponan sa Hunyo 15 habang ang mga manlalaro na nasa US ay dapat na magreport sa kanilang team sa Hunyo 22.

Magugunitang target ng NBA na ibalik ang mga laro sa darating na Hulyo 30.